DAMIT NOON AT NGAYON
Kami po ay sina Ingrid
Herrera,Arcy Mae Tariga at Rinalyn Sicad na taga Sorsogon National High School
(SNHS). Nais po naming ipahiwatig ang pagkakaiba ng damit noon at ngayon at
ipakita sa aming blog ang mga damit noon at ngayon at pagiging mahalaga nito sa
atin. Kakaibang mga disenyo ang ating mga ginagamit noon at ngayon para
maipakita ang pagbabago ng mga itsura ng damit.
Sa bagong henerasyon na ito ay
halos malayong malayo na ang istura ng mga kasuotan noon at ngayon. Kaya nagkakaroon
ng pagkakaiba-iba ng kasuotan dahil sa mga desinyong ginagawa sa bawat taon.
Hindi naman maikakaila na halos ang mga kasuotan noon ay mahahaba at disente,
kumpara sa mga kasuotan ngayon ay maiikli na at hindi na masyadong disente. Ang
mga kasuotan noon ay kapag may okasyon silang pinupuntahan ay naayon sa mga
okasyong pupuntahan ngunit sa panahon ngayon halos hindi na sinusunod ang mga
kasuotang gagamitinb ayon sa okasyong pupuntahan. Pero sa panahon ngayon ang
mga disenyo ng mga kasuotan ay magagara na at magaganda. Halos karamihan sa mga
tao ngayon ay mas pinipili ang “New Fashion” kesa sa mga “Old Fashion” mas
gusto nila ang mga disenyo sa bagong henerasyon kumpara sa dating henerasyon.
Ipinapakita sa blog na ito ang
pagkakaiba iba ng mga bawat kasuotan noon at ngayon. Kung ano ang kahalagahan
nito sa ating mga Pilipino. Sa bawat noon at ngayon nagkakaiba iba ang mga
disenyo ng mga ating kasuotan. Iba ibang okasyon ang mga ginagamitan ng mga
bawat kasuotan. Nasa tao na din na dapat ibigay ang mga kasuotang susuutin sa
mga okasyon pupuntahan. Maging disente at magkaroon ng respeto sa mga
gagamiting kasuotan.