Miyerkules, Marso 14, 2018

Damit Noon at Ngayon


DAMIT NOON AT NGAYON
    Kami po ay sina Ingrid Herrera,Arcy Mae Tariga at Rinalyn Sicad na taga Sorsogon National High School (SNHS). Nais po naming ipahiwatig ang pagkakaiba ng damit noon at ngayon at ipakita sa aming blog ang mga damit noon at ngayon at pagiging mahalaga nito sa atin. Kakaibang mga disenyo ang ating mga ginagamit noon at ngayon para maipakita ang pagbabago ng mga itsura ng damit.
    Sa bagong henerasyon na ito ay halos malayong malayo na ang istura ng mga kasuotan noon at ngayon. Kaya nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng kasuotan dahil sa mga desinyong ginagawa sa bawat taon. Hindi naman maikakaila na halos ang mga kasuotan noon ay mahahaba at disente, kumpara sa mga kasuotan ngayon ay maiikli na at hindi na masyadong disente. Ang mga kasuotan noon ay kapag may okasyon silang pinupuntahan ay naayon sa mga okasyong pupuntahan ngunit sa panahon ngayon halos hindi na sinusunod ang mga kasuotang gagamitinb ayon sa okasyong pupuntahan. Pero sa panahon ngayon ang mga disenyo ng mga kasuotan ay magagara na at magaganda. Halos karamihan sa mga tao ngayon ay mas pinipili ang “New Fashion” kesa sa mga “Old Fashion” mas gusto nila ang mga disenyo sa bagong henerasyon kumpara sa dating henerasyon.
    Ipinapakita sa blog na ito ang pagkakaiba iba ng mga bawat kasuotan noon at ngayon. Kung ano ang kahalagahan nito sa ating mga Pilipino. Sa bawat noon at ngayon nagkakaiba iba ang mga disenyo ng mga ating kasuotan. Iba ibang okasyon ang mga ginagamitan ng mga bawat kasuotan. Nasa tao na din na dapat ibigay ang mga kasuotang susuutin sa mga okasyon pupuntahan. Maging disente at magkaroon ng respeto sa mga gagamiting kasuotan.

Image result for ibat bang damit noon at ngayonImage result for ibat bang damit noon at ngayon

1 komento:

  1. Fun88 - Online Casino
    Play fun88 online casino and 제왕카지노 win real money! Sign up to Fun88 fun88 vin Casino today and claim your welcome bonus. Enjoy 카지노사이트 a 100% deposit match bonus up to €150!

    TumugonBurahin